Bumitiw na si Rick Carlisle bilang head coach ng Dallas Mavericks. Ito ang nakalap na source ni Adrian Wojnarowski ng ESPN Sports. Aniya, sinabihan na ni Carlisle si Dallas owner na ayaw na niyang magcoach next season.
Mayroon pa ng 2 years na natitira sa contract ni Carlisle. Gumugol siya ng 13 seasons bilang coach ng Mavericks. Inakay din niya ang team sa pagsungkit sa 2011 NBA Champions.
Wala naman aniyang masamang tinapay ang namamagitan sa kanila ni Cuban. Katunayan, gusto siya nito. bilang coach ng team.
“I truly love Rick Carlisle. He was not only a good coach but also a friend and a confidant. Our relationship was so much more than basketball. And I know that won’t ever change,” ani
Si Carlisle ay mayroong record na 836 wins at 689 losses sa loob ng 20 taon nitong coaching career.
Ang Mavericks na ang ikapitong team na may coaching vacancy. Ito’y matapos mabakante rin ang NBA teams gaya ng Washington Wizards, New Orleans Pelicans at Portland TrailBlazers. Gayundin ang Indiana Pacers.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!