November 5, 2024

RIBBON CUTTING NG FOUR-STOREY BUILDING SA SURIGAO CITY PILOT SCHOOL PINANGUNAHAN NI ANDANAR, BARBERS

SURIGAO CITY – Pinangunahan ni PCOO Sec. Martin Andanar kasama sina Cong. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, Surigao City Mayor Ernesto Matugas Jr., at mga opisyal ng eskwelahan at mga guro, ang ribbon cutting ribbon ceremony ng Wencelito Andanar school building sa Surigao City Pilot School kahapon, Hulyo 27.

Inilaan ang bagong gusali, na itinayo bilang pagkilala sa yumaong ama ng kalihim, para tulungan na magkaroon ng maayos na edukasyon ang mga estudyante ng nasabing eskwelahan sa pamamagitan ng bagong pasilidad.

Sa ginanap na blessing at turn-over ceremony, nagpahayag ng papuri si School Principal Dr. Felix Bagnol para sa pagpapatayo ng bagong gusali ng paaralan, sa pangunguna ni Andanar.

“We are very lucky indeed because we have great leaders in our province and in our city. We are proud to have witnessed this very milestone of our school,” saad ng school principal sa ngalan ng paaralan, na pinamamahalaan ng 83 guro at 9 na non-teaching personnel. Tinatayang nasa 3,104 estudyante ang kasalukuyang naka-enroll sa nasabing paaralan.

Kinilala naman ni Andanar ang naging kontribusyon ng mga guro ng paaralan at ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa pamamgitan ng pagpapagawa ng bagong school building.

Hinikayat din ng kalihim ang lahat na ipangpapatuloy ang pagsusuot ng face mask, at sumunod sa health protocols para sa kaligtasan ng lahat, habang hinihintay ang bakuna.


“I am optimistic that soon, we will be able to go back to the lives we had pre-pandemic so that our children and our learners will be able to truly benefit from this project,”  dagdag niya.