PINANGUNAHAN ni Rhoiden Adrianne ang 18 batang swimmers na ginawaran ng Most Outstanding Swimmer (MOS) Awards, habang tinanghal na overall ten champion ang Dolphin Angels Swimming Club ni coach Izzabelle Octavio sa katatapos na Swim League Philippines Mindanao Swim Series sa Gov. Douglas Ra. Cagas Sports Complex and Business Center sa Matti, Digos City, Davao Del Sur.
Nagwagi ang 14-anyos na si Adrianne ng limang gintong medalya sa kanyang dominasyon sa 50m butterfly, 50m breaststroke, 100m breaststroke, 50m free tyle at 200m Individual medley sa torneo na bahagi ng national tryouts para mapili ang miyembro ng Philippine Team na isasabak sa Dubai International meet.
Kabilang din sa pinagkalooban ng MOS ay sina John Bahian, Francis Rio Espiritu,
Nathan Jae Galaez, Xhierwyn Helian Cuizon, Ryle Caleb Luz Roque, Prince John Namoc,
Harris Martin Anzures, Carl Henry Guirigay, Hannah Katharina Schneider,
Celestine Marriet Callejo, Angel Rae Santiago, Georgia Summer Paneiro, Lexi Kizz Hinampas,
Lara Zamora, Rianne Chaela Rito,Eunice Adrianne Tabada, at Princess Reychelle Denuna.
“We’re so glad and happy sa nakita nating pagpupursige ng mga bataang swimmers na maipakita ang kanilang talent. Gusto nilang patunayan na karapat-dapat sila sa National Team in the future. Susuyurin natin ang Visayas and course sa Manila,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta.
“Nainspired din ang mga bata sa video message na ipinalabas natin kaloob ng mga personalidad sa sports kabilang na si dating Olympian at ngayon Cong.ng Batangas Eric Buhain,” aniya.
Ginapi ng Dolphin Angels Swimming Club ang Davnor Blu Marlins ni coach Amil Cabatuan,
Coach Eugenio Daquipil’s Mighty Dolphins Swim Team; Coach James Denn Dagaang’s Sweat Dolphins Swim Team; Coach Noli Figueroa Anigan Jr.’s Panabo Aquatics Swimming Club at Coach Edward Maut’s Naawan Water Stars Swim Team.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW