Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si 1st District Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian bilang Department of Social Welafare and Development (DSWD).
Nanumpa na si Gatchalian sa tanggapan ni Marcos Jr. sa Malacañang ngayong araw, mapapanood sa video na ipinoste ng Presidential Communications Office sa Facebook. “Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa panunungkulan ni Valenzuela City First District Representative Rex Gatchalian bilang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD),” saad sa caption ng PCO.
“Sa ilalim ng pamumuno ni Gatchalian bilang alkalde, napabilang ang Valenzuela sa Top 10 Outstanding Local Governance Programs sa Galing Pook Awards noong 2021. Nakilala rin si Mayor Rex para sa mga programang nailunsad para sa social protection at disaster response,” dagdag pa nito.
Pinalitan ni Gatchalian, kapatid nina Senator Sherwin Gatchalian at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, si dating DSWD chief Erwin Tulfo, na na-bypass sa Commission on Appointments kaugnay sa isyu ng kanyang citizenship at libel conviction.
More Stories
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI
NAT’L SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK GAGANAPIN SA CAGAYAN DE ORO CITY
PH, US LUMAGDA SA INTEL SHARING AGREEMENT