Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Court of Appeals (CA) justice Melchor Sadang bilang bagong chairperson ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), ang ahensiya na inatasan sa pagbawi ng ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Papalitan ni Sadang si Atty. John Agbayani, ang huling Duterte administration appointee sa PCGG.
Siya ang ikalimang itinalaga ni Marcos sa PCGG, matapos nina commissioners Marco Bautista, Angelo Vergel de Dios, Rogelio Quevedo at Elihu Ybañez.
Nagretiro si Sadang sa appellate court noong Agosto 2017. Nitong Pebrero 2023 naman, napasama siya sa five-man panel na naatasang kilatisin ang ilang daang pulis na nag-submit ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng internal cleansing project sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Binuo ang PCGG matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa ama ni Marcos na si dictator Ferdinand Marcos, at pumuwersa sa kanyang pamilya na mag-exile sa Hawaii.
Mandato ng ahensiya, na naka-attach sa Department of Justice, na bawiin ang nakaw na yaman ng pamilya Marcos at mga cronies mula sa kaban ng bayan noong panahon ng kanyang 21-year rule.
Tuluyang narekober ng gobyerno ang P174 bilyon na tagong-yaman, pero mayroong pang P125 bilyon na hahabulin.
May mga panawagan na buwagin ang PCGG, lalo na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero nalikida ang proposal sa Kongreso.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY