BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang retiradong pulis na wanted sa kasong kidnap for ransom makaraang ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Field Unit-Integrty Monitoring and Enforcement Group o (IMEG), Regional Intelligence Unit, National Capital Region Intelligence Group, Manila Police District (MPD)at Quezon City Police District (QCPD) noong hapon ng March 10, 2024 sa Pavia St, Barangay 56 ng Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) na si Ret.PO3 Vergel B. Navarro, 53 anyos at residente sa nasabing lugar.
Base sa ipinadalang report ni IMEG Director, Police Brigadier General Warren F. De Leon, kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., nag ugat ang nasabing operasyon laban sa suspek na si Navarro, makaraang silbihan ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, National Judicial Region Branch 87 ng Quezon City para sa nabanggit na kaso.
Pansamantalang nakaditine ngayon ang suspek sa IMEG Custodial Facility sa Camp Brigadier General Rafael T. Crame sa Lungsod ng Quezon bago iharap sa korte. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA