ISANG post sa Facebook ang kumakalat ngayon ang tungkol sa di-umano’y retiradong opisyal na nagnangalang Ley Ordones ang tumulong upang maagapan o makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansang Rwanda.
Kung kaya’t ngayon ay balik na sa normal ang galaw ng mga turismo, agrikultura, imprastraktura, transportasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan ng nasabing bansa.
Maraming kababayan natin sa social media ang nagulat sa ginawang pagtulong ng kapwa natin Pinoy sa Rwanda. Hati-hati rin ang kanilang opinyon.
Ang iba’y nanawagan sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte na hanapin at alamin ang katotohanan sa likod ng pagtulong ng isang retiradong Philippine Navy sa bansang Rwanda at baka ito na marahil ang maging susi upang makontrol at maagapan itong lumalaganap na COVID-19 pandemic sa ating bansa. Nang sa ganoon ay bumalik na sa normal ang ating pamumuhay.
Giit pa ng iba, kung nagawa daw ng isang retiradong Pilipinong militar ng Philippine Navy na tumulong sa ibang bansa, e bakit hindi ito gawin mismo rito sa Pilipinas.
Ayon sa post na kumakalat tungkol sa bansang Rwanda, mayroon silang nakilalang isang dating official ng militar ng Philippine Navy na nagbigay ng suhestiyon o isang kaalaman tungkol sa Covid-19 na siyang puwedeng makontrol o maagapan at mapigil ang paglaganap nito kung kaya’t naman ay pinakinggan nila ang Pilipinong ito.
Sabi sa timelime ni Alfonso V. Alvarez:
Isang dating opisyales daw ng NAVSOG na si Ley Ordenes, na retiradong Philippine Navy ang malaki ang naiambag sa pagtulong sa pamahalaan ng Rwanda sa pagtalo sa virus ng COVID19. Siya ay nagsanay ng Bio Warfare sa Maryland at Florida sa Estados Unidos Naval School explosives Ordnance Disposal (USNAVSCOLEOD) nang siya ay nasa serbisyo pa rin, kung saan natutunan niya ang Biological Mitigations sa biological at chemical warfare phase at mayroon din siyang malawak na karanasan sa pakikipaglaban sa Ebola, SARS, Mers-COV at ngayon COVID19.
Bukas na rin ang Rwanda para sa mga negosyo at regular na turismo nitong Hulyo. At ang naturang bansa ay ang may pinakamamaba na contamination rates sa buong mundo.
Dahil iyan sa estratehiya (konsepto sa giyera) ang nasabing sundalo upang patayin ang virus. Oo’t ito’y posible.
Kung totoo man ang usap-usapan tungkol kay Ordones, maaring ito ay upang maliwanagan tayo at nakaka-satisfy at isinaalang-alang na kaya nating labanan ang COVID-19 virus.
Umaasa tayo na ang ating pamahalaan at mga LGU na bigyan ng pagkakataon ang kanyang panawagan na mapakinggan upang maipaliwanag kung papaano mapupuksa itong virus. Maari na tayong bumalik sa normal sa madaling panahon kung gagawin natin ito.
More Stories
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?