January 4, 2025

Resolution 88 mula sa IATF, dapat na sundinpara iwas hawaan ng virus

Magandang araw. Mga Cabalen. Sana ay nas a mabuti kayong kalagayan. Nakababahala ang muli na naming pagsipa ng kaso ng COVID-19.

Bakit nga ba? Dahil ba sa uso talaga ngayon ang trangkaso dahil malamig ang panahon? ‘O nagre-relaks na ang ilan dahil sa holiday season naman?

‘O sadyang may matitigas ang ulo na hindi na sinusunod ang health protocols? Gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Kaya naman, nag-abiso ang IATF sa madlang pipol kapag lalabas ng bahay. Na dapat ay suot-suot ang face shield. Gayundin ang face shield.

Ito’y batay sa inilabas na Resolution 88 mula sa ahensiya.

Sa gayun ay maproteksyunan ang sarili sa virus. Kung walang paki ang iba, isipin man lang sana nila ang kapakanan ng kapwa. Maiwasan na rin ang hawaan.

Lalo na ang kanilang mga mahal sa buhay. Kapag hindi sumunod, papatawan ng patas at makataong parusa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ito. Ito’y dahil sa malapait na ang Pasko at New Year. Sabik at maraming tao ang lalabas.

Ang magpapatupad nito ay ipatutupad ng LGU’s ay law enforcement agencies. May katuwiran ang kinauukulan/

May ilan kasi na papitiks-pitiks na. Lumalabas ng bahay ay walang suot na face mask. Mainam na sumunod po tao, mga Cabalen.

Sa gayun ay hindi pumitik ang second wave ng COVID-19.