May 5, 2024

MGA VIRUS SA ‘PINAS BYE NA SA BEINTE DOS

HABANG maangas at maaaskad na sumasalungat ang mga iilang porsiyentong kritiko na taga oposisyong dilawan, pulahan,puting kaparian pati mga oligarko , biased mainstream media etcetera ay lalo namang silang kinamumuhian at napapalayo ang loob ng masang Pilipino.

Na rinding- rindi na sa mga ginagawang kaepalan at pagiging salot nila sa Sambayanan. Partikular ang mga epalitikong dilaw na may planong kumarera sa 2022 national election.

Na lahat na lang ay gagawin para makakuha ng atensiyon kahit sa maling paraang siraan ang kasalukuyang administrasyon ay wala silang pakialam dahil alam nila ay marami pa ana fng kanilang mga tagasunod dahil sa pekeng propaganda nila sa media pero ang totoo ay kakarampot na lang sila.

Mistula kasi silang virus na gustong manira sa bayan pero ang pangontra ay ang mga developments na nagagawa ng administrasyon na kahit hindi iulat ng pasaway na mainstream media ay nariyan naman ang social media na bagong tulay ng impormasyon sa kabutihang nagagawa ng pamahalaan may krisis man o wala.

Ang mga pulahan naman ay mas lalong wala nang puwang sa botanteng Pinoy na sukang – suka sa makabayang bulok na nakadenggoy ng puwesto sa Kongreso pero ang pakay ay ibagsak ang gobyerno.

Sila ang mga legal fronts na kumakalinga sa mga idolohiyang kumikitil ng buhay ,naninira ng ari-arian at nangongotong sa mga kababayan natin sa kanayunang nais mabuhay sa legal na paraan at hangad ng kapayapaan sa lipunan.

Kahit na ubusin ang pisi at gaano man kalalim ang balon ng mga oligarko at dasalan man sila ng walang katapusang rosaryo ng kaparian at mga civil society kuno na mga burgis sa alta sosyedad ay di na sila makababalik sa pedestal ng kapangyarihan, dahil galing na sila dun na lalong nagpahirap sa bayan noon bago ang gobyerno ngayon. Mawawala na ang tunay na mga virus sa 2022 kaya ang totoong bakuna ay ang botanteng Pilipino. BYE VIRUS…ABANGAN!