NAMAHAGI si ACT-CIS PartyList Rep. Irwin Tulfo ng tig isang libong pisong ayuda sa tinatayang isanlibong indigent family sa Barangay San Isidro Antipolo City.
Ang pamamahagi ay bahagi ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Rep. Tulfo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga indigent family sa Antipolo ay tugon sa kahilingan ni Ka Rex Cayanong ang kanyang matalik na kaibigan at kapwa broadcaster
Nilinaw ni Tulfo na ang pera na kanilang ipinamahagi ay hindi sa kanya at hindi rin pera ng DSWD ngunit pera rin ng taumbayan na ibinabalik lamang sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba.
Nangako ang Kongresista na ang ginawang pamamahagi ay unang batch pa lamang sa mga bibigyan ng ayuda at ang mga hindi nakatanggap ngayong araw, sa susunod sila naman ang makakatanggap.
Napag-alaman din na bagaman at maraming residente ang nakatanggap ng ayuda, subalit marami sa kanila ay nahirapan sa pagkuha ng certificate of indigency sa pamahalaang barangay.
Nabatid ba nang malaman ng barangay na si Ka Rex Cayanong ang nag-inisyatiba na humiling Kay Rep. Tulfo, hinigpitan ng barangay ang pagbibigay ng clearance, dahil sa sinasabing pangamba na makalaban si Ka Rex Cayanong sa darating na Barangay at SK election.
Samantala, umapila naman si Cayanong sa mga opisyal ng Barangay sa San Isidro na huwag pulitikahin ang kanilang mga ka-barangay na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW