Bagama’t may bahid ng kontrobersiya ang isinagawang ‘mail-in ballots’ sa nagdaang US election, may maganda naman itong dulot, mga Cabalen.
Lalo pa’t nasa harap tayo ngayon ng COVID-19 pandemic. Kaysa magsiksikan ang mga botante sa mga voting center. Mainam ito upang iwas peligro ang mga botanteng Kano.
Gayunman, sinabi ni ex-President Donald Trump na magiging mitsa ito ng dayaan sa mga susunod na halalan.
Sa ganang atin, aplikable ito lalo na kung hindi pa mawawala ang COVID-19 sa halalan 2022. Pinag-iisipan na rin ng mga mambabatas natin kung uubra ito sa sistema ng eleksyon dito sa atin.
Ano nga ba ang mail voting? Ito ay sistema ng pagboto sa pamamagitan ng postal service o koreo. Di na kailangang pumunta sa presinto ang mga botante. Sa gayun ay di na magsiksikan sa voting precinct ang mga registered voters.
Subalit, di sang-ayon dito si Surigao Representative 2nd District Robert ‘Ace’ Barbers. Hindi aniya makabubuti sa 2022 election ang mail voting.
“Kung gagamitin ang ‘mail in ballots’ voting, tiyak hindi maiiwasan pati ang mail box ay nakawin o agawin, maski nga ballot boxes na mismo sa remote areas ay kinukuha,” paliwanag niya sa linggugang Balitaan sa Maynila news forum.
Ani pa ni Rep. Barbers, malaki ang pagkakaiba ng kalagayan ng pamumuhay at kultura ng mga Kano at mga Pilipino. Na ang umiiral tuwing halalan sa atin ay pagkakampihan, suhulan at kilingan.
Gayunman, sang-ayon siya na malaking tulong ang mail ballots nitong nakaraang US election. Ito nga ay dahil sa COVID-19 pandemic. Pero, mala,ang sa 2022, wala na ang pandemya.
Payo ni Barbers sa COMELEC, mag-isip ng ibang gimik sa halalan. Maaari aniyang gamitin ang newest gadget at ibang pamamaraan. Ito ay batay sa hinihingi ng pagkakataon.
‘E papaano kung may COVID-19 pa rin hanggang 2022 elections? Malamang. Ibang sistema ang gagawin upang maprotektahan ang mga botante.
Ilan pa sa mga tutol sa mail voting ay si Sen. Tito Sotto. Madali raw itong dayain.
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM