December 19, 2024

Regional Specialty Centers Act, aprubado na

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang nakaraang linggo ang Republic Act No. 11959 o ang Regional Specialty Centers Act.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang inaprubahang batas na ito ay bahagi ng effort ng pamahalaan ng makapag buo ng institutionalize healthcare centers sa mga rehiyon.

Titiyak din ito ayon sa kalihim sa accessible at affordable healthcare services para sa lahat.

Sinabi pa ni Garafil, ang inaprubahang batas ay magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw na publication sa Official Gazette o sa mga pahayagan para sa general circulation.

Nakapaloob sa batas na ito na inaataasan ang Department of Health (DOH) na bumuo ng specialty centers sa kanilang hospitals sa bawat rehiyon at sa mga GOCC specialty hospitals, na ang prayoridad ay cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care at kidney transplant, brain and spine care, trauma care at burn care.