January 24, 2025

Regalo sa birthday ni Kobe, Blazers, diniskaril ng LA Lakers

Sinamantala ng Los Angeles Lakers ang nakikitang kahinaan ng Portland TrailBlazers. Ito ay ang kakulangan ng tao sa rotation.

Inspired din sila dahil kaarawan  ng yumaong Lakers legend na si Kobe Bryant. Ang panalo ng tropa nina coach Frank Vogel ay regalo sa 42nd birthday ng tinaguriang ‘Black Mamba’.

Photo Credit: Lakers Daily.com

Kaya naman, diniskaril ng Lakers ang Blazers, 135-115 sa Game ng NBA playoffs first round. Nanguna si LeBron James sa Lakers sa pagsagwan ng 30 points, 6 boards at 10 assists.

Nag-ambag naman ng 18 points si Anthony Davis ng, 5 boards at 5 assists. Si Kyle Kuzma naman ay 18 points, 2 boards at 2 assists.

Sa panig naman ng Blazers, bumuslo si Jusuf Nurkic ng 20 puntos, 13 boards at 4 assists. Bumuslo naman si CJ McCollum ng 18 points, 5 boards at 2 assists.

Rumatsada agad ang Lakers sa 15-0 run sa first quater. May baong 29 points na lamang ang Lakers sa first half, 80-51.

Sinikap nilang alagaan at panatilihin ang lamang  sa mahigit 20 puntos.Mula rito, hindi na nakaahon pa ang Blazers.

Narito ang stats sa Lakers-Blazers sa Game 4

LAL:LeBron James: 30 Pts. 6 Rebs. 10 Asts. 1 Blks. Kyle Kuzma: 18 Pts. 2 Rebs. 2 Asts. Anthony Davis: 18 Pts. 5 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. 2 Blks. Danny Green: 14 Pts. 4 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. 2 Blks. Dwight Howard: 13 Pts. 8 Rebs. 2 Asts.

POR:Jusuf Nurkic: 20 Pts. 13 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. C.J. McCollum: 18 Pts. 5 Rebs. 2 Asts. 2 Stls. 1 Blks. Carmelo Anthony: 16 Pts. 2 Rebs. 1 Asts. Gary Trent Jr.: 13 Pts. 1 Rebs. 1 Asts. Damian Lillard: 11 Pts. 1 Rebs. 4 Asts. 1 Stls.