IBINUNYAG ni Senator Richard Gordon, na siya ring namumuno sa Philippine Red Cross, na nakatanggap siya ng report na sinisingil ng P20,000 ang mga na stranded na overseas Filipino workers para sa mabilis na resulta ng coronavirus test.
Saad ng naturang senador, isang non-governmental organization ang pinayagang magtayo ng testing booth sa ilang airport sa bansa at maraming mga OFW at mga pasahero ang nagrereklamo dahil sa napakataas na singil sa COVID-19 test.
Nabatid na dinadala umano ang mga OFW na nasabing NGO kung saan sila puwedeng sasailalim sa coronavirus test. Hindi naman pinangalanan ang naturang pribadong organisasyon.
Pagkatapos masuri, aalukin ang mga OFW at pasahero para mabilis ang paglabas ng resulta kapalit ng malaking halaga.
May nagtext sa’kin galing Washington DC. Ang sabi, ang charge sa kanya P10,000. Mukhang may nabebendisyunan doon,” ayon kay Senator Gordon sa isang panayam sa Teleradyo ng ABS-CBN.
“Isa pa. ‘My sister paid P7,000 to get the results in 24 hours. Naghintay siya beyond 24 hours and got it only after she expressed her rage… For 12 hours, it costs P10,000, and for 6 hours, it costs P20,000,”
Nasa 6,000 na OFW ang na-stranded sa Metro Manila dahil sa pagkaantala ng pagsusuri matapos mapilitang itigil ng PRC ang kanilang COVID-19 test nang mabigo ang PhilHealth na bayaran ang kanilang pagkakautang na umabot sa halos P1 bilyon.
Sinabi pa ni Gordon na nagulat siya na ang kasalukuyang Philhealth chief na si Atty. Dante Guieran ay hindi makapagpasya upang bayaran ang serbisyong ibinigay ng Red Cross.
“Nagugulat ako dyan kay Atty. (Dante) Gierran dahil kilala kong tao yan eh. Pero mukhang di makadesisyon, natatakot. Ewan ko kung kanino siya natatakot. Alam ko, matapang naman siya. Ang nakikita ko, baka may sinususian,” ani Gordon.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna