May 4, 2024

HOUSE OF ‘LORD’ AT M-24 CANADA

NANG magkaroon ng palitan ng speakership sa KAMARA, buong akala ng mga taga-OPOSISYON ay panalo rin sila.

Sa palagay nila ay kakampi ang bagong SPEAKER na kayang-kayang paikutin ng kanilang malikot at switik na utak.

Kaya nga naluklok sa trono si Speaker Lord Allan Velasco dahil mas tuso siyang i-dethrone ang batikan at beteranong si Cong. Alan Peter Cayetano dahil may sarili siyang talino at diskarte kaya hindi ito dahil sa taktika ng OPOSISYON na gusto pang ituring na utang na loob na dapat ay mabigyan sila ng premyong magandang puwesto sa KAMARA.

First time na nakita ng korner na ito ang isang NGISING-DEMONYO at halakhak ng isang isang DILAWANG Party-List Congressman mula Maynila ( sa kanyang video) na sumipsip nang husto kay Speaker LORD at ang banta niya ngayon ay humanda ang mga kalabang KONGRESITA sa pagbabalik ng dragon at may- sademonyong network sa ere.

Maraming DILAWAN at PULAHAN ang may ITIM na balak na maibalik at makaporma uli ang mga suwapang at lintang OLIGARKO na magpapabagsak daw ng gobyerno para sa kanilang pansariling interes.

Mga iilang kongresitang LANGO sa kapangyarihan (Drug LORD), isusugal at ibebenta ang konsensiya kay ‘Taning (Gambling LORD) at ibabaon sa lupa (Land LORD) ang kanilang mga kalaban partikular na ang Duterte adminidtration, iyan ay kung kaya ng kanilang katusuhan na paikutin si Speaker LORD… ABANGAN!!!

****OUTREACH PROGRAM NG M-24 CANADA SA ‘PINAS*****

KAHIT na libong milya ang layo ng Canada sa Pilipinas ay abot kamay ng noble advocacy ng pinagpipitagang civic group na M-24 Builders of Canada ang kanilang commitment ng pagtulong sa mga less fortunate na kababayan natin dito sa ‘Pinas.

Sa pagsisikap ni M24B1024 Dr. Chito Collantes ng CWSS Toronto sa Canada, kahapon ay muling nadama ang kanilang kalinga dito sa Manila.

Sa pamamagitan ni M-24 Manila facilitator Bro Arvin David (M24B1O24F3) kasabay ng kanyang birthday celebration (October 25) ay namahagi ng pagkain at ibang goodies sa mga neediest residents sa Maynila si David at mga katuwang nito partikular sa mga laborers, steetsweepers, ambulant vendors at para sa mga batang anak-dalita, homeless atbp. na serbisyo publiko ng M-24 Builders of Canada kada ikalawang buwan ng taon kasabay din ng kanilang pag- ayuda sa noble project na FREE ARTS CLINIC for young artists sa countryside ng ka-gruupong birthday celebrant ding si UPPERCUT.

Suportado ang naturang noble project na mga taal na ka- builders na sina Bro. MUG NC II Alex Quillope sa ‘Pinas at mga taga – Toronto na sina Bro. MF Ruel Depusoy, Sis Maria Teresa ‘Monet Abad , Sis Joy ‘Red Violet Santos, Sis Tess Benedicto, Ala Eh Guardians Canada Mario Perez Sis . Lourvi Gequillana at iba pang mga konsernado at maka-Pilipinong miyembro ng M-24 Builders of Canada. Mabuhay!

Lowcut: Shoutout sa iba pang M-24 supporters na sina MBA Pres. Bhong Jun Galang, Edgar Alconcel, Dabo Bautista at Ms Regine ng Lunch Box diyan sa Toronto. Masaya at kapakipakinabang ang diwa ng kaarawan nina Octoberians Bro. David, Bro. Depusoy Sis Monet at opkors Uppercut. HEBIGAT!