January 24, 2025

RECTO HINIKAYAT ANG GLOBAL INVESTORS NA MAMUHUNAN SA PILIPINAS

HINIKAYAT ni Special Envoy of the President at Head ng Philippine Delegation to the World Economic Forum (WEF), Finance Secretary Ralph G. Recto, ang global investors na mamuhunan sa Pilipinas at titiyakin nito ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng kamakailan lang na ipinatupad na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.

“CREATE MORE was designed to address your concerns and tailor fiscal and non-fiscal incentives to meet your specific needs. Simply put, CREATE MORE was carefully crafted to make more money for you and create more high-quality jobs for our people,” aniya sa kanyang pahayag sa Philippine Breakfast Interaction with Investors nitong Enero 22, 2025 sa Davos, Switzerland.

“Here’s our promise: The moment you step in [the Philippines], we will let you experience a home that nurtures your long-term growth and success,” dagdag niya.

Nagtipon ang 50 international public at private sector leaders sa ginanap na Philippine Breakfast Interaction sa WEF para sa briefing ng Philippine economy at ang kanyang promising potential bilang susunod na malaking investment destination.

Ito’y inorganisa ng DOF at ni Ambassador at Permanent Representative of the Philippines to the World Trade Organization (WTO) Manuel Antonio J Teehankee sa sidelines ng WEF Annual Meeting pang ma-secure ang mas maraming investments sa high-impact industries na makakatulong sa pagpapalago ng inklusibong ekonomiya sa Pilipinas.

Kasama ni Secretary Recto sina  House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina A. Roque, at Ambassador Teehankee sa naturang event.

Dinaluhan ito ng global heads ng international companies, na kinabibilangan nina Marcus Wallenberg, Chairman ng Skandinaviska Enskilda Banken; Philippe Amon, Chairman at CEO ng SICPA SA; Catarina Amon, CEO at Founder ng Classeek; Anthony Tan, CEO at Co-Founder ng Grab; John Riady, Group CEO ng Lippo Indonesia; Tony Fernandes, CEO ng AirAsia; at Calvin Choi, CEO ng AMTD.

Naroroon din sina Jay Collins, Vice Chairman ng Citi; Helena Lersch, Vice President ng Public Policy of Tiktok; Amit Kalyani, Vice-Chairman at Joint Managing Director ng Kalyani Strategic Systems Limited; at Albert Chang, Managing Partner ng Southeast Asia, McKinsey & Co.,at iba pa.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng  HCLSoftware, ING, Glencore International, BHP, at Bitkub Capital Group Holdings.

Bukod sa CREATE MORE, binigyang-diin ng Finance Chief ang matatag na ekonomiya ng Pilipinas na pinapatakbo ng e-commerce, na nagbigay sa bansa ng fastest-growing digital economy sa ASEAN noong 2024 ayon sa pinakabagong e-Conomy SEA report.

Upang mapanatili ang momentum na ito, pinalalawak ng pamahalaan ng Pilipinas ang digital na imprastruktura nito simula sa Philippine Digital Infrastructure Project, ang National Broadband Program, at ang Common Tower Program upang mapabuti ang digital connectivity sa buong bansa —partikular sa underserved areas.


Bukod dito, nagpatupad ang gobyerno ng mga regulasyon sa digital space upang palakasin ang pangangasiwa sa mga digital businesses, tulad ng Internet Transactions Act at ang Value-added Tax on Non-resident Digital Services Act.