Walang dapat ipangamba ang mga naninirahan sa Metro Manila kaugnay sa mga isinusulong na reclamation project ng pamahalaan.Kaugnay nito, nakatitiyak si PRA General Manager Cesar Siador Jr na hindi babahain ang mga kalapit lungsod ng kanilang mga reclamation project.Tinukoy ni GM Siador na taliwas sa mga negatibong ulat, hindi aniya magdudulot ng malawakang pagbaha sa National Capital Region ang mga proyekto ng kanyang ahensya sa Manila Bay. Pinaliwanag ni GM Siador na marami nang pag aaral hinggil sa pangamba ng pagbaha sa Metro Manila at lumalabas aniya na hindi mangyayari ang sinasabing siyam na metrong taas na baha. Binanggit ni Siador na magiging tuluy-tuloy ang agos ng tubig palabas ng dagat sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan. Iginiit ni GM Siador na kasamang plinano sa mga reclamation projects ng PRA ang pagbaha sa Metro Manila. Hinihimok din ng opisyal ang publiko na tumulong sa pagbabantay at pagmonitor sa mga proponents na gumagawa ng reklamasyon para mas masiguro na makaiwas sa pagbaha sa metro manila.
Samantala sa idinaos na Infrastructure and Construction Forum 2024: Building a Modern Nation Through Infra, Hinikayat ni PRA Chairman Alexander T. Lopez ang pribadong sektor na makipagpartner sa mga ongoing reclamation project ng gobyerno.Pinaliwanag ni Lopez na hindi lamang nakasentro sa Metro Manila at coastal shores ang dinidebelop ng PRA kundi ang mga lupang nakatiwangwang na pag-aari ng pamahalaang na maaaring pakinabangan ng mga mamamayan at gobyerno gaya ng mga lupain at coastal areas sa Visayas at Mindanao.
Sa naturang forum na dinaluhan ng mga foreign investors mula sa western countries, tiniyak ni Chairman Lopez ang transparent at mabilis, episyenteng partnership sa Administrasyong Marcos.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA