April 28, 2024

Rayver Cruz, sinapian o bangag?

MARAMI ang nakapuna sa live stream nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, dahil sobrang saya ng kanyang boyfriend. Animo’y para itong sinapian o bangag.

Hindi naman ganoon kung kumilos si Rayver, at may eksena pang hinipo o binatukan nito si Julie sa kanyang likod ng ulo na hindi naman iyon nagustuhan ng kanilang mga followers.

“Ganuon po talaga ako sobrang masayahin, lalo po kapag kasama ko ang aking mahal. Sorry kung hindi ho ninyo nagustuhan ang mga inasal ko,” ayon kay Rayver. “Iyong tungkol sa kung gumagamit ho ako ng mga ipinagbabawal na gamot, hindi po ako gumagamit. At dito sa GMA 7 at may regular kaming check up, kaya malalaman nila kung gumagamit ang isang artistang gaya ko,” pagtatapos pa niya.