
PINAGHAHANDAAN na ni Rayver Cruz, ang gagawin nitong proposal para sa kanyang showbiz girlfriend na si Julie Anne San Jose. Dahil ayon sa actor, sure na raw siya sa babaeng kanyang pakakasalan.
Kung tatanungin daw siya, heto ang kanyang sagot. “At kung itatanong n’yo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman po na ma-surprise si Julie. Baka mas una n’yo pa pong malaman,” saad ni Rayver Cruz.
“Kailangan caught off-guard siya. Gusto ko, ako ang pipili ng tamang oras. Gusto ko na ma-surprise siya,” saad pa ng aktor.
“Ibang level, sobrang secure, sobrang happy and kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perfect time,” nakangiting pahayag ni Rayver Cruz.
Inamin din ni Rayver Cruz, na may savings na siya kaya handang handa na siyang pakasalan si Julie Anne San Jose.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA