Bibida si Raven Alcoseba sa pangunguna sa mga batang atleta na mapabilang sa training pool ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP.)
Isa ito long-term program ng triathlon at ng duathlon. Kung saan nagtala ang Cebu native ng record sa Palarong Pambansa. Ayon kay TRAP president Tom Carrasco, may 7 new members ng nasabing sport.
Kung saan, ang lima rito ay hindi lalagpas sa 20-anyos. Dalawa naman ang beterano. Batay sa ipinamalas na pagsabak sa National Duathlon Trials noong Dec. 12 sa Clark, Pampanga, dito pinili ang mga isasama sa pool.
Aniya, palalakasin ng asosasyon ang women’s training pool. Sa gayun ay maabot nito ang target na Asian level. Gayundin ang makapagpadala sa qualifiers ng World Championships at Olympics.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na