Nahirang na ‘NBA Coach of the Year’ para sa 2019-2020 season si Nick Nurse ng Toronto Raptors.
Ito ang unang beses na nagwagi ang 53-anyos na si Nurse bilang coach. Si Nurse ay nakasungkit ng kampeonato sa unang taon niya bilang head coach ng Raptors.
Sa kanyang ikalawang season sa Raptors, inakay niya ang team sa 53-19 win-loss record.
Ang defending champion ng liga’y second best record sa Eastern Conference ngayong season.
‘Really humbled to receive the award.Nurse said.It’s something,” ani Nurse.
“It was quite amazing to lift up that (championship) trophy last year with those guys. That means the most. But this is cool.”
Patungkol naman sa playoffs, abanse ang Raptors sa Brooklyn Nets, 3-0 da first round. Target ng Toronto na tapusin na ang serye bukas.
Sa gayun ay maaga silang makapagpahinga. Maghihintay na lamang kung sino ang makakatapat nila sa Boston at Philadelphia.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na