Tatakbo sa pagkapangulo ang American rapper na si Kanye West.
Ito ang inanunsyo mismo ng rapper sa kanyang Twitter account.
Ayon kay West, dapat nang mapagtanto sa ngayon ang tinutukoy na pangako sa America sa pamamagitan ng pagtitiwala sa panginoon, pagkakaisa at pagbuo ng kanilang kinabukasan.
Ginamit niya rin ang hashtag #2020VISION sa kanyang tweet.
Agad namang nag-reply si Tesla CEO Elon Musk na nagpapahayag ng buong suporta sa pagtakbo ng rapper bilang pangulo.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung seryoso si West sa kanyang planong pagtakbo sa pagkapangulo ng America, apat na buwan bago ang kanilang eleksyon sa Nobyembre 3.
Hindi rin matiyak kung nakapagsumite na ng kanyang official papers ang rapper para mapasama sa election ballots.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA