ISINELDA ang isang tricycle diver na listed bilang most wanted sa limang bilang ng panggagahasa sa Manila matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Edmond Gonzalez, 40 ng No. 740 Balingkit Street, Brgy. 712, PS 09 Malate Manila.
Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Malabon police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy., Tugatog ng lungsod.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS2 sa pangunguna ni PLt Manny Ric Delos Angeles sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Archie Arceo ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gonzalez sa Progreso St cor Honradez St. Brgy. Tugatog dakong alas-8:20 ng gabi.
Ani PLt Delos Angeles, si Gonzalez ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 29, Manila City noong February 10, 2023 para sa kasong Rape under paragraph 1(A) RPC as amended by R.A No. 8353 (5 counts) (No Bail) at paglabag sa Sec. 5(B), R.A No. 7610 na may inirekomendang piyansa na P200,000.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa MCPS Custodial Facility habang nakabinbin ang ilalabas na commitment order mula sa court of origin.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!