May 18, 2024

Rapist nadakma sa Valenzuela

SWAK sa kalaboso ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr naarestong akusado bilang si Anton Julean Belleza, 33 ng 5015 Berlin St., Brgy. Gen T De Leon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, nagsagawa ang pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista at 5th MFC, RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons.

Nadakip sa naturang police operation ang akusado sa kanyang bahay dakong alas-11:20 ng umaga.

Ang akusado ay pinosasan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court, Family Court Branch 16, noong June 29, 2023, para sa kasong Statutory Rape under Art. 266-A par. 1 (d) of the RPC in rel. to sec. 5(b) as Amended by R.A. 11685 (5 Counts), Rape by Sexual Assault under Art. 266-A par. 2 of the RPC in rel. to sec. 5(b) of R.A. 7610 (3 Counts), at Unjust Vexation under Art. 287 par. 2 of the RPC.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.