
NAGHIHIMAS na ngayon ng rehas ang tinaguriang Regional Most Wanted sa Calabarzon na may kaso ng paulit-ulit na panggagahasa makaraang masakote ng mga awtoridad ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) sa pangunguna ng Bauan Municipal Police Station na nagsilbi ng arrest warrant laban sa suspek nitong alas-11:00 ng umaga ng Linggo, December 3, 2023 sa Poblacion Uno, Bauan, Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas John Mark, nasa hustong gulang, residente sa nasabing bayan.
Base sa ulat ni Bauan Municipal Police Station Chief of Police, Lieutenant Colonel Nestor Cusi kay Batangas Police Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte, inaresto ang suspek na si Alyas “John Mark”, sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng korte sa Batangas City para sa kasong 5 counts of Rape at 2 Counts of Statutory Rape.
Pansamantalang nakakulong na ngayon ang suspek sa Bauan Municipal Custodial Facility at walang inirekomendang piyansa. (KOI HIPOLITO)
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA