
BAGSAK sa kulungan ang isang lolo na wanted sa kasong panggagahasa matapos malambat ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang naarestong suspek bilang si Romeo Valle, 65 ng Blk 22 Lot 118 Phase II Area I, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Navotas City.
Nabatid nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya nagsagawa sila ng validation.
Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS at Sub-Station 4 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong alas-4:30 ng hapon.
Si Valle ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosalyn D. Mislos-Loja ng Regional Trial Court (RTC) Branch 41, Manila para sa kasong Rape.
More Stories
POGO BUHAY NA NAMAN? MAY BAGO SILANG MODUS – HONTIVEROS
SEN. LAPID NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA BACOLOD CITY AT NEGROS OCCIDENTAL
CONVOY NG PNP CHIEF, SINITA DAHIL SA PAGGAMIT NG EDSA BUSWAY