May 19, 2024

Rapist at carnapper nadakip ng MPD

TIMBOG sa magkahiwalay na operasyon ng Manila Police District (MPD) ang  dalawang suspek na wanted sa kasong rape at carnapping.

Ayon kay MPD-Strict Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), unang naaresto si Kyle Huelar, 18, ng 1141 Tagumpay St., Tondo na wanted para sa two counts ng rape.

Sinabi ni P/ Lt. Col, Magno Gallora Jr., Station Commander ng MPD-Station 2, na naaresto ng pulisya si Huelar dakong alas-1:00 ng hapon kahapon matapos makatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa pinagtataguan nito sa Kalye Bulag, Calapucuan, Zambales, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Jacqueline Marin-Balictar ng Manila Regional Trial Court Branch 9.

Si Hueler ay sinasabing ‘Number 1 Most Wanted’ sa listahan ng MPD-Police Station 2.

Samantala, dakong alas-10:20 ng kagabi nang maaresto ang number 5 most wanted ng National Capital Regional Office (NCRPO) na si Antonio Altas dahil sa kasong carnapping na nagtatago sa Purok 1, Barangay Maria Makiling sa Calamba, Laguna.

Nakipag-ugnayan ang MPD sa provincial police at naaresto si Altas sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ng Regional Trial Court Branch 35 ng Iloilo City.