Nagpahayag ng kanyang saloobin si basketball icon Ramon Fernandez tungkol sa Gilas Pilipinas. Ayon sa tinaguriang ‘El Presidente’ nais niyang manatili ang current line-up ng Gilas.
Ito ang kahilingan niya sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). “Palagay ko itong mga bata na ang ipadala natin. Not for anything else but this is thinking long term,” ani ng 4-time PBA Most Valuable Player.
Markado sa roster ng Gilas ang 7’2 na si Kai Sotto. Gayundin si naturalized center Angelo Kouame at Fil-Am guard Dwight Ramos. Malaking tulong din sina point guards SJ Belangel at RJ Abarrientos.
Gayundin si forward Carl Tamayo. Naging matagumpay ang Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Katunayan, nakumpleto nila ang 6-game sweep sa third at final window.
Susunod na sasabak ang national team sa FIBA Asia Cup proper sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2