Handa ang business tycoon na si Ramon Ang na ibenta sa pamahalaan ang Petron Corporation anumang oras.
Sa pagdinig ng House Ways and Means Committee hinggil sa excise tax sa langis, sinabi ng negosyante na puwede niyang ipautang sa gobyerno ng hanggang limang taon ang naturang kompanya.
Magsabi lamang aniya ang pamahalaan dahil walang pag-aatubili ay ibebenta raw niya ito kaagad sa kanila.
Inamin naman ni Ang na dahil sa COVID-19 crisis ay pumalo sa P18 billion ang kanilang lugi noong nakaraang taon lamang.
Kung inaakala aniya ng gobyerno na “jackpot” sila sa Petron, hindi siya magdadalawang isip na ibenta na lang ito kahit wala nang tubo kundi “market valuation” lamang ang pagbabasehan.
Kamakailan lang, ilang mambabatas ang nagsusulong na bawiin na ng pamahalaan ang Petron bilang dati rin namang pagmamay-ari ito ng gobyerno.
Naniniwala sila na magkakaroon ng mas maayos na regulasyon pagdating sa oil industry kung makuha ulit ng pamahalaan ang kontrol sa kasalukuyang pinakamalaki at tanging oil refining at marketing company sa bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA