Hindi pabor ang incoming senator na si Raffy Tulfo na ipasara ng tuluyan ang ABS-CBN.
Sa panayam sa kanya ng Rappler, sinabi ni Tulfo na sana ay hindi nalang ipinasara ang network upang hindi naapektuhan ang libo libong mangagawa ng nasabing kumpanya.
Ayon sa kanya ay mas mainam na pinagbayad na lamang ang Kapamilya Network ng mga utang nito sa gobyerno kung mayroon man.
“Kung mayroon mang utang ang ABS-CBN sana inobliga na lang ‘yung ABS-CBN na bayaran ‘yung utang na ‘yon rather than ipasara totally. Kasi maraming naapektuhang empleyado, libo-libo ang nawalan ng trabaho,” ani Tulfo.
Kung posible raw ay pabor din siyang maibalik ang mga dating frequencies ng ABS-CBN kasama na ang channel 2 na hawak ngayon ng kumpanya ni Manny Villar.
Matatandaan na ibinigay ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Villar, habang ang 43 naman ay ibinigay sa Sonshine Media Network International (SMNI) ni Pastor Apollo Quiboloy.
Noon pa lamang ay pabor na talaga si Tulfo na maibalik ang ABS-CBN.
Nitong nakaraang taon lamang ay inulan ang mamamahayag ng batikos dahil sa kanyang naging komento kung saan ay pinaghambing niya ang dami ng followers ng ABS-CBN at mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ten thousand kasi ang nawalan ng trabaho. Kung pwedeng baka sabihin ni Lord, sige ten months, okay na ulit. Di ba?” sabi ng mamamahayag.
“Kumabaga, magbabanggaan yong 16 million versus 42 million subscribers,”
“Forty-two million yata ‘yong subscribers. Kung i-combine mo pa baka 50 million, so 60 million, so alin mas marami dun?” dagdag niya pa.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE