December 26, 2024

QUO VADIS TRAPOS?

BAKIT ba ang mga Senador at Kongresisto partikular iyong mga nasa oposisyon ay laging sinisisi ang gobyerno sa mga nagiging problema ng bayan?

Lagi nilang pinapangalandakan na palpak at wala daw ginagawa ang pamahalaan para sa mamamayan.

Nakisawsaw pati na iyong mga pulahang Party List na laging tinitira ang gobyerno sa mga kawalan daw ng tamang ginagawa sa mamamayan. Bakit ang lakas ng loob ng mga fronta ng teroristang grupo ng NPA na nakuhang makaporma sa Kongreso bilang makabayan kuno? Kasi binibigyan sila ng airtime ng kasapakat na biased networks.

At siyempre ang bise-presidente na di pahuhuli sa pag-eksena sa paninisi sa gobyerno mismo na kanyang kinabibilangan.

 Itong mga linsiyak na  na kontrabida ng lipunan, nawawala na talaga sa katinuan dahil ang mismong sinisisi nila ay ang gobyerno na kaparte nila.

 Sila ay Senador at mga Representante ng legislative branch of government.

Inihalal sila ng mamamayan at sila ay nanumpa ng kanilang tungkulin bilang mambabatas ng mamamayang Pilipino na kinikillalang sila ay bahagi ng gobyerno.

Kumbaga sa pamilya, ang sinisira nila ay ang sariling kapamilya na kapag bumagsak ay dapat kasama sila.

 Ang siste, wala naman silang naitutulong sa bansa mula nang sila ay niluklok sa puwesto.

 Kung ganito ang panuntunan ng mga kupal na Senador at Kongresistang walang ginawa kundi bakbakan ang kanilang gobyerno ay tunay namang di na sila dapat bigyan ng pagkakataong mahalal muli sa susunod na eleksiyon.

 Tandaan niyo ang mga salot na ito ng ating lipunan.

 Wala silang puwang sa susunod na August Chamber. ABER!?

Op kors, markado na sa tao ang ginagawang pagbatikos ng Bise Presidente ng bansa sa gobyernong bahagi siya bilang nasa executive branch ng pamahalaan.

Kaya nga laging nasa laylayan ang kanyang pangalan tuwing ilalabas ng pulso ng bayan. Dapat naman!

Kapus-palad talaga si Juan sa kanyang bayan kung bakit may mga ganitong uri ng mga elemento ng pulitika na ayaw ng kapayapaan, katiwasayan at kasaganahan.

Kaya sa darating na halalan, tiyaking wala nang mapupuwestong TRAPO na walang gagawin kundi ang dumihan ang malinis na paminggalan basta ‘ t sila ay napag-uusapan at ang mukha at bulsa ay sobra ang  kakapalan.

Markado na sa masa  ang mga notoryus na dilawan, pulahan, balimbing at hunyango na mga puppet ng mga oligarko at pinakikinabangan ng biased mainstream media pati na ang pag-epal ng mga parimonyo… Peste sila sa ating lunduyan..TANDAAN N’YO!

Lowcut: Abangan ang puwersang LAMP na gigiya ng liwanag ng pag-asa sa mamamayang Pilipino.Shoutout kay Ka Larry Andes.All da best!