January 23, 2025

QUO VADIS ‘BUSY PREXY’?

Kung tunay lang sanang ginampanan ng ‘bise presidente ang kanyang papel bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bayan ni Juan— ay smooth sailing lang dapat ang kanyang karera politikal.

Sana ay nakiisa na lang siya sa mga programa ng Pangulo para naman sa kapakanan ng mamamayan noon pa ay napakabango dapat niya sa tao at ine-enjoy ang mataas na rating tulad ni Presidente Meyor.

 Kung ang pagiging tapat niya ay una ang tao kesa partido, disin sana ay di siya kulelat sa pulso ng lahat. Wala naman sanang masama kung siya ay oposisiyon basta konstruktibo ang layon ay di siya sisingilin ng panahon.

Ang siste ay nakinig ang walang bait sa sarili sa mga osla at panis nang kritiko ng gobyerno kaya kabilang siya sa ibabasura ng tao pagsapit ng pagtutuos sa ‘beinte-dos.

Kundi lang sumobra ang ambisyosa na agad na makaupo sa kanyang tronong pinapantasiya ay may paglalagyan sana siya sa tamang panahon na kapalaran ang mag- luluklok sa kanya sa kapangyarihan.

Di na sana siya tinatawag ng pekeng bipi ng sobrang dami at feeling ‘busy presidente’ ay hahayaan na siyang matapos ang kanyang termino na pulido at posibleng mabilang pa siya sa kasaysayang ang mga bise ay nagiging presidente sa kalaunan.

Pati pulahang salot sa lipunan ay kinampihan para maibagsak ang pangulong kanyang kinamumuhian na isang suntok naman sa buwan.

Wala sanang manghahalukay ng bahong mistulang isisingaw ng kahon ni Pandora na malapit nang aalingasaw lalo’t nangangamoy eleksiyon na ang kapaligiran ngayong 2021.

Ngayon pa lang ay masasadlak na siya sa kawalan dahil sa kagagawan ng mga nang-uto at nang- ulot na mga kasangga niyang isinusukang oposisyon na may iba nang kinikilingan at ilalalaglag na ‘poe si pekengbipi sa laylayan anytime.

Sayang ang angking karisma na sinira ng kanyang mga pahamak na kasama na handa na siyang i-junk dahil panis na ang karera , in short..finish..QUO VADIS?