November 23, 2024

QUEZON MEMORIAL CIRCLE ISA NANG GANAP CHILD LABOR-FREE ZONE

Isa na ngayong child-labor free zone ang Quezon Memorial circle o national park na matatagpuan sa lungsod ng Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang lahat ng mga nangungupahan o tenants maging ang mga guard, gardeners o administrative staff ay sumailalim na rin sa malawak na pagsasanay para sa mga karapatan ng mga bata.

Binuo rin sa nasabing lungsod ang Child exploitation policy upang matugunan ang anumang ulat o insidente ng child exploitation kaya lahat umano ng establisyemento sa lugar ay walang ilegal na batang empleyado.

Ito’y isang bahagi ng kanilang programa na puksain ang child labor kasama ang inter-agency task force for special protection o street children and child laborers at task force Sampaguita.

Matatandaan na may nauna ng plano ang ahensya hindi lamang para masagip ang mga batang nagtatrabaho sa murang edad lalo na ‘yung mga sampaguita vendors na madalas na makita sa delikadong lugar.

Mula noong buwan ng noong buwan ng Setyembre may nasa 685 na indibidwal na nailigtas ng task force Sampaguita at kabilang nga ang 296 na mga mangagawang bata.

Samantala, nagpaabot naman ang pamahalaan ng tulong pinansyal at edukasyon sa mga pamilya at batang biktima na nasagip ng ahensya.