Inanunsiyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nabakunahan na siya ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Belmonte, na dalawang beses nakaligtas sa COVID-19, tinurukan siya ng Sinovac jab na gawa ng Chinese sa Ateneo de Manila University. Kabilang ang mga alkalde sa priority group ng bakuna na sumunod sa health workers.
“Although I am part of the A1 category, I decided to wait until most of those in the identified priority groups had been vaccinated. Also, after just recovering from COVID-19 last month, I did not see the need for me to be vaccinated immediately,” saad niya sa isang pahayag.
Si Belmonte ang ika-322,056 na nakatanggap ng dose ng COVID-19 vaccine na pinangangasiwaan ng Quezon City.
Hinikayat din ng alkalde ang publiko na magpabakuna na rin.
“Dahil dalawang beses kong naranasang magka-COVID-19, batid ko ang kahalagahan ng bakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit na dulot ng virus,” aniya.
“I hope that by having been vaccinated, I could encourage more QCitizens to get inoculated too against COVID-19,” dagdag pa nito.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD