
DEAD on arrival sa pagamutan ang isang biktima habang dalawa naman ang sugatan makaraang gumuho ang lupa ng isang quarry site pasado alas-10:00 ng umaga noong nakaraang Sabado sa Barangay Mapulot ng Tagkawayan, Quezon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Ramil Hernandez at ang mga nasaktan at nasugatan na sina Jerimie Hernandez at isang alyas “Joey,” mga nasa hustong gulang at mga residente sa kaparehong lugar.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Tagkawayan Municipal Police Station kasalukuyang nasa lugar ng quarry site ang tatlong biktima ng bumigay ang land mass o lupa na nasa tatlumpung talampakan ang taas at natabunan ang mga biktima na agad dinala sa ospital subalit hindi na umabot pa ng buhay si Ramil Hernandez. (Erichh Abrenica)
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon