Kuha ni NORMAN ARAGA
MAGTATAYO ng isa pang quarantine facility para sa COVID-19 positive patients sa Quiapo, ito ay kasabay rin ng pagtatayo pa ng mga karagdagang free drive-thru testing centers sa mga pangunahing kalsada sa Maynila at mga libreng walk-in centers sa mga pinatatakbong ospital ng lungsod.
Ang lahat ng ito ay ayon sa plano ni Mayor Isko Moreno, na gagawin nang sabay-sabay sa mga susunod na araw, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na hakbang sa pakikipagsagupa sa coronavirus at sa mga kalakip nitong suliranin. Hangad ng alkalde na mapagsilbihan ang halos lahat basta kaya lang ng kapasidad lalo na para sa mga indibidwal na gustong sumailalim sa test ng libre.
“Hangga’t may tsapi (pera) kami, hanggat kaya namin, we will offer our services to everybody for free. Especially madami na ang pabalik ng trabaho, four months silang ‘no work no pay’ so they have to get tested para makabalik pero wala silang panggastos. We will try to accommodate as many as possible to give peace of mind to the employee and employer,” sabi ni Moreno.
Ang mga planong ito ay binununyag ni Moreno makaraang sabay nilang buksan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang first walk-in COVID testing center sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM), upang ang mga walang sasakyan ay mapasailalim din sa libreng test.
Ang walk-in center ay nabigyang daan matapos na buksan ni Moreno at Lacuna noong isang linggo ang city’s first drive-thru COVID testing center sa harap ng Bonifacio Shrine at nagsagawa ng test-run sa isa pang drive-thru testing center sa kahabaan ng Independence Road sa harap ng Quirino Grandstand noong weekend, upang maibsan ang trapikong nalikha ng mga mitoristang nais na magpa-COVID test ng libre.
Samantala sa OSSAM ay humingi ng ayuda si Moreno sa mga barangay authorities at city councilors na maglagay tents para sa mga nakapilang indibidwal na magpapatest upang hindi sila mabilad sa araw o maulanan.
Nasa 150 ang bilang ng mga na-accommodate sa OSSAM, 200 naman sa Bonifacio Shrine, at may 700 naman sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Moreno nang simulan ng lungsod ang pagtatayo ng 12 quarantine facilities, ay wala pang masyadong malaking demands mga facolities at ang facilities na may mahigit sa 500 bed capacity ay hindi pa halos mapuno. Pero ay napansin ng alkalde na tumaas na ng husto ang demand kung kaya’t napagkasunduan nila ni Lacuna ang magtayo ng panibagong quarantine facility sa Quiapo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY