January 23, 2025

QC MAGSASAGAWA NG 3-DAY CHINESE NEW YEARS CELEBRATION

Inihayag ni Quezon City Tourism Department Officer-in-Charge Maria Teresa Tirona (may hawak ng mikropono) na ipagdiriwang ng Quezon City ang kanilang 85th Founding anniversary ngayon taon at makikibahagi sa selebrasyon ng tatlong araw na Chinese New Year sa Pebrero 9 hanggang 11. Kasama niya mula sa kaliwa; Representative, Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. Wilson Lee Flores; President, QC Chinatown Development Foundation Inc. Charles Chen; at Head, Traffic and Transport Management Department  Dexter Cardenas. (Kuha ni ART TORRES)

PARA isulong ang Banawe Street bilang tourism destination, naghanda ang Quezon City government ng three-day activity sa lugar para sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Biyernes hanggang Linggo, Pebrero 9-11.

“These festivities signify our commitment to promoting Banawe as a place to enjoy our unique Filipino-Chinese heritage through a variety of cultural attractions. Local and foreign tourists can take part in many delightful activities during the three-day celebration,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.

“Magkakaroon din ng pagkakataon ang ating mga kababayan na mapalago ang kanilang kaalaman ukol sa mayamang kultura ng mga kapatid nating Chinese,” sabi ni Belmonte.

Sa Biyernes, mayroong QC Chinatown Heritage Tour para sa mga miyembro ng media at social media influencers kung saan lilibutin ang Sheng Lian Temple, Buddhist Humanitarian Organization headquarters ng Tzu Chi Foundation, Filipino-Chinese Friendship arcs na tinatawag ding ‘Paifangs,’ at Wow Toy Museum.

May ‘Food Crawl’ activities din para sa masasarap na Chinese dishes sa QC Chinatown District.

Tampok din ang QC Chinatown Food, Arts and Crafts fair, Lion and Dragon Dance, Chinatown Float Parade, Chinese Calligraphy and Painting Demonstration, at performances nina Jake Cuenca at Autotelic, Lirah Bermudez at QC Symphonic Band.

Idaraos naman ang unang Chinatown Heritage Bike Tour sa Pebrero 11.