May 9, 2024

KATHRYN BERNARDO, OPEN DAW SIYANG MAKATRABAHO ANG IBA’T IBANG LEADING MEN

NAGING loyal pa rin si Kathryn Bernado, at mas pinili pa rin niyang mag work sa kanyang dating tahanan ang ABS-CBN. 20 years na siyang aktibo at itinuring na rin niyang ikalawang tahanan ang ABS-CBN, kaya mas minabuti niyang manatali sa Kapamilya network.

“Masaya akong sa Kapamilya network ako nagwowork, maganda ang samahan namin lalo na iyong friendship namin ni Direk Lauren [Dyogi] at ng Star Magic.

“Iyong offer ng iba, hindi ko siya talaga na-entertain dahil wala akong ibang choice kundi ang manatili sa ABS-CBN.

“Tungkol naman sa trabaho, itutuloy ko ang paggawa ng mga proyekto na iba’t-iba ang aking leading man. Gusto ko talagang mag grow sa field kong ito, at gusto kong masaha hanggang sa marating ko iyong mga gusto kong marating sa mundo ng showbiz,” lahad pa ni Kathryn Bernado.

At alam n’yo ba na ang isang matinding kanyang demand, ay ang huwag silang magtambal na muli ng dati niyang ka-loveteam na si Daniel Padilla.