January 22, 2025

PYRAMID OF EGYPT, GAWA NGA BA NG MGA ALIEN?

Cairo, Egypt– Ang mga bantayog pyramid sa Egipto ay gayun lang kung tingnan. Isang arkitekturang kahanga-hanga na ipinagmamaki ng nasyon. Subalit, ang misteryo tungkol dito ay nabuksan na sa nakalipas na libong taon.

Hindi kumbinsido ang mga kontemporaryong archeologist na ngayon ay naniniwala sa tala at mga aklat  ni Zecharia Sitchin. Maging ang manunulat na si William Henry na siyang nagsulat ng aklat na Egypt, The Greatest Show on Earth ay ipinahayag na na hindi gawa ng tao ang mga naturang pyramids.

Aniya, ito ay ginawa ng kakaibang mga nilalang na tinatawag nga na UFO na sinabi niya sa isang conference nang dumalaw siya sa Egypt noong ika- 17 ng Enero 2010 Egypt Tour.

Kung pagbabatayan umano ang kasaysayan. Ang tatsulok na arkitektura’y nilikha o ginawa noong panahon ng lumang bato. Kung lilimiin at iisipin batay sa siyensiya, nangangahulugang gawa iyon ng mga apeman. Aniya, papaanong magagawa iyon ng mga gayung tao sa gayung sibilisasyon gayung ang gamit nila ay kasangkapang bato. Papaano nila mamomolde ang tumpak na sukat ng pyramid at disenyo nito sa gayung primitibong kalagayan nila.

Ang kasagutan ay binuksan. “ Ang Pyramid sa Egipto ay gawa ng mga Alien na mga Anunaki. Sila ay mula sa planetang Nibiru na siyang ika-12 planeta ng ating sistemang solar. Ang naturang planeta ay nagtago at tumanan sa ating sistemang solar. Sila iyong mga nilalang na kawangis sa pelikulang Planet of The Apes. Sila ay may demi-god na kalahating tao (apeman) at kalahating diyos. Hindi totoong libingan ng mga Paraoh ang mga Pyramids, kundi iyon ay isang transmitter ng mga Anunaki para makipagtalastasan sa kanilang mga kauri. Kung may mga nakita mang mummy doon ay hindi sa layung na iyon ay ilibing. Kundi, iyon ang daan para mabuhay o mag-generate uli ang isang namatay sa kabilang dimensiyon (Chrono Cross). Isang halimbawa na rito ay ang Pharaong si Thutmose na sinasabing demi-god.” pahayag ni Henry.

Isa apa, ang tuktok ng pyramid ay nagsisilbing radar o radio transmitter para sa komunikasyon ng mga Anunaki. Doon din umano lumalapag ang mga spaceship nila kapag dumadalaw sila sa ating planeta. Ang totoo, ang mga Anunaki ang siyang nagtatag ng siyudad sa Cairo at ng sibilisasyon nito na itinatag sa Nile River. Kaya naman, ang Egipto ang kauna-unahang imperyo sa daigdig ayon na rin sa tala ng Biblia na kasuhay ng mga tala ni Sitchin.

Aniya, may mga pyramid pa sa ilalim ng lupa roon at maging sa tubig (nile river) na siyang sikretong laboratories. Mula sa pagiging apeman ng mga Anunaki, ay nakipagniig sila sa mga human beings sa anyong tao dahil may kakayahan silang magbago ng anyo. Doon na nalikha ang mga Anunaking may genes ng tao na naging makapangyarihan sa naturang nasyon.  Sila ay pinagmulan ng lahing Paraoh at bantog na tao sa Egipto.

At dahil sa kagustuhan pa nilang magtayo pa ng ilang pyramids ay ipinasya ng mga Anunaking may dugong tao ( na mula sa lahi ni Enlil) na kumuha ng ibang taga-gawa o labor force dahil sila’y makapangyarihan na. Kaya, ang mga tao ng Abrahamic God o mga Israelita na nanahan sa bayan nila noong mga 1,500 BC ang siyang pinagtrabaho nila. Isa pa, natatakot sila na dahil baka dumami pa ang lahi ng mga tao ng Diyos kung kaya nag-utos ang Paraoh na ipapatay ang mga sanggol 2 taon pababa.

Subalit, hindi nagpabaya ang Diyos kung kaya nailigtas si Moises noong sanggol pa ito at inampon ng prinsesa ng Egipto (sa tala ng Exodus). Dito nagkaroon ang kompetensiya ang diyos ng Egipto at ng Israel.

Natalo ang Egipto ay nakalaya ang mga Israelita sa pagkaka-alipin nila sa loob ng 430 taon. Dahil sa pagkapahiya ng mga Anunnaki sa Diyos ng Israel ay umalis sila sa daigdig at iniwan ang kanilang pamana sa daigdig, ang pyramid.