Target ng PVL ang three-conference tiff sa pagsipa ng 2nd pro season ng Premier Volleyball League. Ang Open Conference ay nakalinyang isagawa sa February 16, 2022. Kung saan. tampok ang 10 teams na maglalaban sa torneo.
Napipisl na naman na venue ang Paco Arena Events at Sports Center sa Maynila. O kaya naman ang Royale Tagaytay sa ilalim ng bubble set-up. Hinihintay na lang ng liga ang clearance mula sa IADT at GAB upang maka-set-up na ng venue.
Noong nakaraang pro season league debut, nagkampeon ang Chery Tiggo kontra Creamline. Ang liga ay naikasa sa kabila ng banta ng COVID-19. Gayunman, dahil sa pagbibigay ng consideration ng kinauukulan. Bagamat ipinatupad ang conditions at quarantine restrictions, matagumpay na naidaos ang liga.
Ayon kay Sports Vision chairman Ricky Palou, may iba pang team na gustong sumali. Ito’y sa kabila na huwag munang lumahok ng Sta. Lucia Lady Realtors.
“There are new teams that want to join. We are still deliberating on it and doing our due diligence to see if they are willing to commit to the league for years,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2