Dahil sa sarado na ang ABS-CBN, naghahanap ngayon ang Premier Volleyball League (PVL) ng bagong istasyon upang ipalabas ang liga.
Sa pagsasara ng sports department ng Dos, opsyun ngayon ni Sports Vision president Ricky Palou na sa ibang network na magco-cover ng volleyball games.
“This gives us no other option but to look for another network to cover our games. We are in the process of doing that,” saad ni Palou sa Power & Play.
Kaugnay dito, hindi naman nagmamadali si Palou na makipagnegosasyon sa ibang istasyon, gaya ng One Sports at GMA. Aniya, sasanguniin niyamuna ang league’s board bago pumasok sa negosasyon.
“We’re also consulting the teams on what they think about this and if they have any preference on who’s going to be our coverer. When we finalize all these details, we’ll talk to the different networks and see who’s willing to cover our games.”
“We’ve made contact with some of the networks but nothing is definite yet,” dagdag ni Palou.
Noong 2016, inalis ng V-League ang pagsasahimpapawid ng laro sa GMA News TV. Inilipat ito sa Sports+ Action at ito ang nag-ere ng live games at online platform, kabaligtaran sa GMA na tape delay ang pagpapalabas ng laro.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2