January 23, 2025

PVL, SUSULAT SA PSC UPANG HUMINGI NG GO-SIGNAL SA RESUME NG TEAM TRAINING

Nakikipag-ugnayan ang Premier Volleyball League (PVL) sa Philippine Sports Commission (PSC) na payagan na rin ang ilang teams ng liga na makapagsanay; kagaya ng pagbibigay ng go-signal ng ahensiya sa basketball at football na makapag-training.

Ayon kay PVL organizer Sports Vision President Ricky Palou, magpapadala sila ng sila ng sulat sa PSC, kung saan ang naturang sports agency ang siyang angkop na hingan ng rekwest.

Kapag nakarating na sa PSC, ipadadala naman nito ang liham sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para sa aprobal.

Ibinibilang na isang amateur league ang PVL, kung kaya ang kahilingan nito na makapagsanay ulit ang mga team ay kinakailangang dumaan sa PSC. Bahagi ng ipinadalang request letter ng PVL ay ang limitadong bilang ng atleta sa training. Gayundin ang pagsasailalim sa swab test.

 “Medyo mahaba yung proposal namin because it will cover a lot of details,” saad ni Palou na umaasang papaburan sila ng PSC sa kanilang kahilingan.