HANDA na ang Russia para sa kanilang bakuna sa COVID-19.
Ayon mismo kay President Vladimir Putin, kanila ng inirehistro ang kauna-unahang COVID-19 vaccine sa buong mundo.
Sa government meeting sa state television, sinabi ni Putin na ang vaccine, na dinivelop ng Gameleya Institute ng Moscow, ay ligtas gamitin at sa katunayan ang kanyang anak na babae ay kabilang sa mga naturukan ng bakuna.
“I know that it works quite effectively, forms strong immunity, and I repeat, it has passed all the needed checks,” ayon kay Putin.
Umaasa rin aniya siya na masisimulan na agad ang mass producing ng bakuna.
Saad ng ilang opisyal sa Russia, sasalang na sa Phase III trial ang nasabing bakuna ngayong narehistro na ito.
Matatandaan na nangako ang Russia sa Pilipinas na magbibigay ng bakuna, kung saan ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay handa siyang unang magpaturok nito sa oras na makating na ito sa bansa.
More Stories
Higit P200K shabu, nasabat sa tulak na bebot
Kelot na armado ng baril, arestado sa Malabon
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd