May 18, 2024

Mga natatanging kasambahay, maaaring manalo sa ‘Outstanding Kasambahay, Kasambuhay 2020’ online search.

Kayo ba ay isang kasambahay na gustong manalo ng premyo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic?

Kung oo, ito na ang pagkakataon ninyo, mga ate, kuya. Puwede kayong sumali sa  ‘Outstanding Kasambahay, Kasambuhay 2020 Pilipinas Awards’.

Ayon kay Xavier Zialcita, 2020 JCI Senate chariman, 10 ang pipiliing winners sa patimpalak ngayong taon. Ang mga magwawagi ay magkakamit ng P100,000.00.

Kuwalipikadong sumali ang mga katulong, kusinera, hardinero, family driver at iba pa. Dapat ay 7 taon nang naninilbihan at 75 taong gulang pababa.

Ang taunang contest ay sinimulan noong 2016 upang kilalanin ang sipag, katapatan at magandang asal ng isang Filipino.

Ang deadline ng nominasyon ay hanggang sa September 15, 2020.Para sa ibang pang detalye, bumisita Kasambahay, Kasambuhay FB Page.