ANG daling kumagat sa pain ng mga buwitreng laging nakaabang ng masisila sa pinuno ng bansa.
Limang taon na nilang binabalak na ibagsak si PDU30 na kinamumuhian nilang presidente dahil nais nilang makabalik sa tronong pinagpapasasaan nila noon.
Pasimuno ang mga TRAPOS (traditional politicians) na kinabibilangan ng mga isinusukang oposisyong dilawan, pulahan at iian pang nasa pribadong sektor na mga sakim at switik na mga oligarko, mga pari at ang biased mainstream media.
Nang sinadyang hindi magpakita sa publiko ng Pangulo, litaw agad ang pangil sa tuwa ang mga ‘hyenas habang naglalaway na ini-imagine ang trono sa Malacañang.
Sigawan agad sila ng “#nasaan ang Pangulo?” at ang kanilang demonyong tanong na “#patay na ba?”
Viva agad ang ‘peykbipi at nagsisisigaw sa tuwa ang ‘delimaw sa karsel na akala’y makalalaya na siya sa seldang siya ang gumawa para sa sarili dahil sa krimeng nagwawasak ng buhay ng kabataan atbp.kundi napigilan.
‘Di na kasi nila mahintay na mabuhay pa si PDigong nang hanggang eleksiyon lalo pa’t di nila kayang talunin ang popular na lider sa boto na iniidolo at pag-asa ng masang Pilipino.
Kaya para sa pulpulitikong oposisiyon, kung mawawala sa pwesto ang Pangulo ay ngayon na dapat, pero hindi ito mangyayari dahil lalong lumulusog at humahaba ang buhay ng presidente hangga’t siya ay hinahangad na mamatay ng mala-diyablong utak ng mga kalaban ng bansa na nagbabalatkayong mga anghel sa lupa.
Buong akala ng mga nasa kabilang buhay este bakod ay isa nang ‘lameduck president’ si PDigong dahil malapit nang magtapos ang kanyang termino kaya kung banatan nila ang Pangulo ng bansa ay abot na sa nakasukang panlasa ang istayl ng oposisyong salot sa bayan ni Juan.
Ngayon, si PDigong naman ang bumebwelta, niresbakan niya ng mga nambabastos at nag-iinsulto below the belt sa kanya kaya lahat ng ipinukol sa kanya ay nag-boomerang sa mga bastos na TRAPOS na napusoy-dos na naman sa taktika ng matalinong pangulo.
At habang rumeresbak naman si PDU30 ay nagbubunyi ang mayoryang Pilipino kontra mga epalitikong suklam at inggit sa totoong lider ng bansa na walang kaplastikan ang kanyang pamumuno para sa sambayanan… MISMO!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!