November 24, 2024

Puso, disqualified sa World Online Cadets and Youth Rapid Championships

Binaklas kay PH chess kid whiz King Whisley Puso ang titulong napanalunan sa Under-12 title sa Asian qualifier.

May nagawang fair-play violation si Puso sa World Online Cadets and Youth Rapid Championships.

Si tournament chief arbiter Marco Biagioli ng Italy ang naglatag ng disqualification notice. Nirekomenda ito ng kanilang Fair Play Panel batay sa ‘results of element’.

Ayon sa findings, may ebidensiya sila kaugnay sa cheating incident ni Puso. Ayon kay Biagioli, pinal na ang desisyon at di na pwedeng i-apela.

Subalit, iginiit ni National Chess Federation of the Philippines executive director Cliburn Orbe na sinunod ni Puso ang rules ng FIDE.

Gayundin ng iba pang Filipino participants.

 “We stand by his (Puso) innocence,” saad Orbe.

There were two cameras monitoring him as required by the organizers, the arbiters never said anything.”

The decision was erroneous but unfortunately there is no appeal. We can only prove his innocence with his results once over the board play resumes,”aniya.

Sa pagkaka-disqualified ni Puso, bibitbitin nina Mark Concio Jr. at April Joy Claros  angbansa sa world stage. Kapwa second place ang dalawa sa open 16-under at girls’ 14-under.