IBINUHOS ng Polytechnic University of the Philippines( PUP) ang kanilang buong puwersa matapos ibaon ang Philippine College of Criminology(PCCr),57-43 sa finals upang tanghaling kampeon ng 1st YMCA Women’s Basketball Championship sa YMCA Gym nitong weekend.
Pinangunahan ni finals MVP Bea Aragon ang assault sa kalabang Lady Criminologists katuwang sina Karen Francisco, Mela Reyes,Eunice Magana, Mei Taguiam, Shiv Ortiga, Enchang Casupang,Yas Alpanghi, Princess dela Torre, Mikai Misahon,Choi Villarama,Trish Fortea,Sachi Jimenez, Cherelyn Arcega at Allana Terencio upang akayin ang state U sa buwenamanong kampeonato na naiuwi ng PUP -MPAMS ni team manager/ owner Marvin Adolfo.
Sa inilatag na fluid offense at malagkit na depensa ni winning coach Buboy Rodriguez kaagapay na bench tactician sina deputy coaches Jon Molina,John Ramirez at Edwin Parfan ay magaang naaresto ang pambombang outside shooting at dominasyon sa shaded lane ng tropang Sta Cruz upang pagreynahan ng Sta .Mesa lady dribblers ang prestihiyosong liga.
“Tinapatan namin. ang lakas ng kalaban at inexploit ang kanilang weaknes on both ends.It’s a team effort in winning the crown”,sambit ni head coach Rodriguez na nagpaabot ng pasasalamat partikular sa todo suporta ng management lalo na kay G.Adolfo (Marvin).
“High five sa ating PUP MPAMS women’s for the pride and prestige they brought home for their alma mater. Hats off to the coaching staff.Make it a tradition..
congratulation!”, pahayag naman ni team top brass Adolfo. (DANNY SIMON)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA