Nagpapagaling na ngayon sa Tagaytay City Medical Center ang isang pulis na aksidenteng tinamaan ng bala habang nagtuturo ng live firing target shooting sa mga kadete ng Philippine National Police Academy nitong Sabado, Pebrero 8, 2025 sa loob ng firing range ng PNPA Camp Castañeda, sa Brgy. Tartaria, Silang Cavite.
Kinilala ang biktima na si Police Corporal Renante Maroliña, 29-anyos at pansamantalang residente sa PNPA Tactics Male Barracks sa kaparehong lugar.
Base sa salaysay ng biktima sa mga imbestigador ng Silang Municipal Police Station kasalukuyan umano siyang nagtuturo ng gun proficiency sa mga estudyanteng kadete ng PNPA mula alas-1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at nang matapos ay nagpalit umano siya ng damit nang mapansin niya na mayroon siyang tama ng bala sa tiyan.
Agad siyang nagtungo sa PNPA Academic Health Service para ipatingin sa doktor ang kanyang sugat pero kalaunan ay inilipat na siya sa nasabing ospital para alisin ang bala na tumama sa kanya.
Samantala, naipaalam na sa pamilya ng nasabing pulis ang nangyaring aksidente. (KOI HIPOLITO)
More Stories
KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA
2 utas, 1 timbog sa entrapment ng CIDG (Nambibiktima ng mga online seller ng ginto)
Negosyante patay sa sunog sa Bacoor, Cavite (P2-M ari-arian naabo)