NAHARANG ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report ni Dennis Alcedo, head ng Border Control and Intelligence Unit ng BI, kinilala ang nasabing Chinese national na si Chen Yije, 48, na tinangkang lumipad patungong China sa pamamagitan ng China Southern flight sa NAIA Terminal 1.
Napag-alaman ang Chinese national ay kasama sa blacklist ng BI, at na may kasong deportasyon na inisyu noong 2017.
Sa record, ang nasabing Chinese national ay isang retiree na nahuli umano noong Agosto 2016 sa Angeles City, Pampanga dahil sa nadiskubreng may 36.58 kg ito ng shabu, na may tinatayang halaga na 100 million pesos.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!