Matapos pormal na kilalanin ng world governing body sa aquatic sports sina Michael Vargas bilang presidente at Rep. Eric Buhain bilang secretary-general, ayon sa pagkakasunod-sunod, ng Philippine Swimming Inc. (PSI), wala nang dahilan para hindi sumulong ang kaunlaran sa sports.
At isa si Buhain sa mga napaka-optimistiko para sa magandang bukas ng Philippine swimming.
“The storm has passed for Philippine swimming and, as we now see calm waters, we must set our sails for a new and promising voyage for our young and skilled Filipino swimmers,” wika ni Buhain, siya ring 1st District Representative ng Batangas at bemedalled swimmer noong kanyang prime.
“Join, one and all, and fly the national colors as one ship,” said Buhain who welcomed the world aquatics body recognition on behalf of the all the people involved in the making of the “new” PH aquatics association.
“Let’s now dwell in the bad experiences we’ve had in the past but take note of them to serve as our reminders on how to best serve this new association and our young pool of talents.”
Kinilala rin ng international federation ang mga miyembro ng Board of Directors na nanalo sa Philippine Olympic Committee (POC)-supervised at World Aquatics-ordered elections noong Hunyo 8 sa Pasay City.
“Please be advised that the World Aquatics Bureau has reviewed these results and following the results set out above, the newly elected members of the PSI have been approved by World Aquatics,” pahayag ni World Aquatics Executive Director Brent Nowicki sa sulat na ipinadala sa Philippine Olympic Committee na may petsang June 19, 2023
“As a requirement for POC recognition, we also now recognize the new officers and Board of Directors of the PSI,” sambit ni POC presideny Bambol Tolentino.
Ang mga kopya ng liham ay ipinadala din kina Vargas at Buhain.
Kinilala rin sina vice president Jessi Arriola, treasurer Marie Dimanche at mga miyembro ng Board of Trustees na sina Cris Bancal, Angelica Leonardo, Roel Rosales, Ronald Talosig, Isagani Corpuz, Jessie Lacuna at Emmanuel Manialung.
Ang lahat ng opisyal at miyembro ng lupon ng mga tagapangasiwa ay maglilingkod sa panahon ng paglipat hanggang sa isagawa ang regular na halalan sa ilalim ng charter ng PSI sa 2025.
Kinuha rin ni Buhain ang pagkakataon para masimulan ang positibong pagkakataon upang ipahayag ang pambansang tryouts Luzon leg para sa mga miyembro ng Team Philippines sa Southeast Asian Age Group swimming championship na nakatakda sa Hulyo 7-9 sa Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Center sa Vito Cruz, Manila. “We also scheduled tryouts for Visayas and Mindanao also next month, para mabigyan pa natin ng pagkakataong magsanay ang mga mapipili bago ang tournament ,” sabi ni Chito Rivera, event organizer at board member ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA).
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW